Thursday, May 2, 2024

Pondo para sa laptops ng mga public school teachers ipinasasama sa 2021 nat’l budget

- Advertisement -

Inirerekomenda ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera sa Malacañang na isama sa 2021 national budget ang pagpopondo para sa laptops ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon kay Herrera, dapat na mabigyan ng mga laptop ang mga guro na nagtuturo sa mga pampublikong paaralan ngayong ipapatupad na ng Department of Education (DepEd) ang distance at blended learning program bilang tugon sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Magugunita namang una nang inihayag ng DepEd na mangangailangan ng P27-bilyong pondo ang ahensya para maibigay sa mga public school teacher ang mga kakailanganing laptop sa pagtuturo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img