35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Cebu City bagong episentro ng COVID-19 sa bansa —Año

- Advertisement -

Idineklara na ni Interior Secretary Eduardo Año bilang bagong episentro ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ang Cebu City.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagdami ng kaso at bilang ng namamatay sa lugar dahil sa COVID-19.

Ayon kay Año na siya ring vice chairperson ng National Task Force Against COVID-19, mas mataas na ang infection rate sa Cebu City kaysa sa Metro Manila.

Paliwanag nito, bagamat marami pa ring kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay nahahati naman ito sa 17 lokal na pamahalaan kumpara sa Cebu City na maraming kaso gayung nag-iisang lungsod lamang ito.

Bukod sa pagdami ng positibong kaso, ikinababahala rin ng kalihim ang pagtaas ng kaso ng severe at critical cases maging ang death toll sa lungsod.

Samantala, naniniwala naman si Año na posibleng dumoble pa ang kaso ng COVID-19 sa Cebu City gayung mahigit kalahati ng mga ito ay naka-home quarantine lamang na nagreresulta ng local transmission.

Sa ngayon, nasa 5,141 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cebu City, habang 2,596 naman ang nakarekober at 169 ang nasawi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -