32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Marcoleta pinagbibitiw sa puwesto si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba

- Advertisement -

Nais ni Deputy Speaker at 1-Sagip Party-list Representative Rodante Marcoleta na magbitiw sa puwesto si National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba.

Ito ay matapos na masilip sa kamara na bukod sa Channel 43 ng AMCARA Broadcasting sa ‘TV Plus’ ay ginagamit rin ng ABS-CBN ang wireless digital broadcast service ng Sky Cable na parehong expired na ang prangkisa o napaso na.

Dahil dito, kinukwestyun ngayon ng kongresista kung bakit umabot ng 19 na araw bago magpalabas ng cease and desist order (CDO) ang NTC laban sa giant network gayung malinaw naman na nilabag nito ang naunang CDO.

Giit ng mambabatas, insulto sa kongreso ang pagkukulang ni Cordoba nang hindi nito gampanan ng maayos ang kanyang tungkulin.

Samantala, agad namang nagpaliwanag si Cordoba na nag-iingat lamang ang NTC sa kanilang mga hakbang kung kaya’t nagpalabas lamang sila ng desisyon matapos na makatanggap ng rekomendasyon mula sa Office of the Solicitor General.

Nangako naman ang NTC sa kamara na ipatitigil na rin nila ang pag-eere ng ABS-CBN sa Channel 43.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -