Friday, May 17, 2024

Pondo para sa implementasyon ng UHC law malaking problema pa rin — DOH

- Advertisement -

Itinuturing ng Department of Health (DOH) na malaking hamon sa kanilang ahensya ang paghahanap ng pondo para sa Universal Health Care (UHC) program.

Ayon kay Secretary Francisco Duque III, malaki parin ang problema sa pondo maliban sa unang taon ng implementasyon ng UHC law.

Aniya, kailangan ng DOH ang P257-B para sa roll out ng nasabing programa sa susunod na taon.

Sa kabila naman ng kinakaharap na problema ng DOH, nanindigan parin si Duque na handa silang ikasa ang implementasyon ng UHC program sa 33 pilot areas.

Samantala, pansamantalang pinagkukunan ng pondo para sa programa ng UHC ay mula sa budget ng DOH, premium contributions mula sa PhilHealth, parte ng kita ng PCSO at PAGCOR.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -