Friday, May 3, 2024

Kasong murder sa apat na suspek sa pananambang kay Yuson ihahain na

- Advertisement -

Ihahain na sa piskalya ngayong araw ang kasong murder laban sa apat na suspek sa nangyaring pananambang kay Batuan Ticao Island, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Ayon kay Captain Henry Navarro ng Manila Police District (MPD), kanilang pinagbatayan sa paghahain ng kaso ang testimonya ng mga nakakita sa pagpatay sa Bise Alkalde at ang mga CCTV footages na nakuhanan ang ginamit ng mga suspek sa silver gray na van sa naturang krimen.

Matatandaang una nang sinabi ng pamilya ng biktima na politika ang maaaring motibo ng pagpaslang at itinuturo si PCSO Board Member Sandra Cam bilang umano’y utak sa naturang insidente.

Paliwanag ni Navarro, kanila na lamang ipapaubaya sa husgado ang pagtukoy sa dahilan ng krimen at kung sino ang dapat managot dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img