- Advertisement -
Nasa listahan bilang proyaridad na batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang death penalty at Tax Reform for Acceleration and Reform 2 (TRAIN 2).
Ito, ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar, kung saan kinumpirma rin nitong nagpahayag na ng pagsuporta ang mga kaalyado ng pangulo na sina Senator Bong Go at Ronald “Bato” Dela Rosa para itulak ang pagbalik ng parusang kamatayan.
Anya, prayoridad din ng pangulo ang TRAIN 2 para mapondohan na ang Build, Build, Build Program.
Paliwanag nito, kailangan kasing matustusan ang mga programang imprastraktura ng pangulo.
- Advertisement -