Thursday, May 2, 2024

PNP handa na sa pagsisimula ng GCQ ngayong Lunes

- Advertisement -

Mahigpit pa ring tututukan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng minimum health protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ito, ayon kay PNP Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa, ay kasunod ng kanilang kahandaan para sa pagsisimula ng general community quarantine (GCQ) sa buong bansa ngayong araw na ito.

Mahigpit ding inatasan ni Gamboa ang mga pulis partikular na sa National Capital Region (NCR) na ibigay ang kanilang buong tulong at pag-alalay sa mga magsisipagbalikan sa kanilang mga trabaho bagama’t nananatiling limitado.

Dahil dito, hindi pa rin mawawala ang mga quarantine controlled point, pagpapatupad ng curfew, travel restrictions gayundin ang mandatory wearing of facemask at pagitiyak na nasusunod ang physical distancing.

Samantala, inanunsyo naman ng Kampo Crame na hindi muna matutuloy ang pagbubukas nito para sa iba’t ibang transaksyon at frontline services ngayong araw sa halip ay iniurong ito sa ika-4 ng Hunyo.

Kabilang dito ang mga tanggapan ng Civil Security Group (CSG) tulad ng Firearms and Explosives Office, Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA), One-Stop-Shop Office at Regional Civil Security Units.

Dahil sa inaahang pagdagsa ng tao sa Kampo Crame ayon kay Gamboa, lilimitahan din nila ang pagpapapasok dito ngayong araw upang maiwasan ang kumpulan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img