28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Itatayong molecular laboratory ng PNP sa Visayas, Mindanao ilalagay sa mga high-risk areas

- Advertisement -

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na dumaan sila sa butas ng karayom bago sila tuluyang nakakuha ng license to operate mula sa Department of Health (DOH).

Ito’y para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) Molecular Diagnostic Laboratory ng PNP sa Crime Laboratory Building sa Kampo Crame, Quezon City na siyang magpoproseso sa testing ng mga pulis na tinamaan ng virus.

Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa, bagama’t mabilis naman nilang naikasa ang nabanggit na pasilidad, naging problema nila ang mga taong magmamando rito.

Kaya’t naging puspusan ang pagsasanay ng 11 tauhan ng PNP Crime Lab upang siyang mangasiwa sa pagsusuri ng mga COVID-19 sample mula sa mga pulis na nakapag-test na mula sa quarantine facilities nito.

Ito ang dahilan ayon kay Gamboa kaya’t naging limitado lang sa mga pulis ang maaaring mapagsilbihan muna ng kanilang molecular laboratory.

Kasunod nito, sinabi ni Gamboa na posibleng sa Cebu at Davao nila susunod na itayo ang kaparehang pasilidad sa Visayas at Mindanao dahil doon naitala ang matataas na kaso ng COVID-19 sa nabanggit na rehiyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -