Friday, May 17, 2024

Bagong klasipikasyon ng DOH sa COVID-19 cases kinuwestyon ni Robredo

- Advertisement -

Kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo ang lohika sa likod ng desisyon ng Department of Health (DOH) na i-klasipika ang mga bagong infections ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung ito ba ay bago o lumang kaso.

Ayon sa bise presidente, magdudulot lamang ito ng kalituhan sa publiko.

Magugunitang sinabi ng DOH na kapag inilabas ang resulta ng isang pasyente sa loob lamang ng tatlong araw matapos itong magpa-COVID-19 test ay kanila itong kinokonsiderang ‘fresh cases’, ngunit kapag ito ay inilabas ng apat na araw o mas matagal pa ay ikaklasipika na ito bilang ‘late cases’.

Imnungkahi naman ni Robredo na bilisan pa ang pagpoproseso upang hindi na kailanganin ang bagong klasipikasyon sa resulta ng kaso ng COVID-19 sa bansa na posibleng magdulot ng kalituhan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -