Friday, May 17, 2024

PNP Chief Gen. Albayalde bumwelta kay Mayor Magalong

- Advertisement -

Binuweltahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang paratang ni Baguio City Mayor at dating PNP-CIDG Chief Benjamin Magalong na may “selective cleansing” ang PNP.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon, sinabi ni Magalong na pinipili lamang ng PNP ang sisibakin nitong pulis, dahil hindi naman na-dismiss ang 13 Pulis Pampanga na sangkot sa drug recycling.

Ani Albayalde, dapat ginamit ni Magalong ang kaniyang kapangyarihan at otoridad bilang CIDG Director para maresolba ang isyu.

Dagdag pa ni Albayalde, lumipas na ang mahabang panahon ngunit ngayon lang inungkat ni Magalong ang naturang kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -