Friday, May 3, 2024

Magalong: ‘Telling the truth requires no right timing’

- Advertisement -

Telling the truth requires no right timing,”

Ito ang naging pahayag ng ngayo’y Baguio City mayor at dating PNP-CIDG chief na si Benjamin Magalong, matapos ang ginawa nitong pagsisiwalat sa mga aniya’y ‘ninja cops’ sa isinagawang pagdinig ng Senado, kahapon.

Nagkaroon lamang aniya ng pagkakataon na ma-ungkat ang naging kontrobersiyal na anti-drugs operations sa Pampanga noong Nobyembre ng taong 2013.

Binigyan diin din ni Magalong na hindi scripted ang lahat ng kanyang isiniwalat at nais lamang niyang malaman ng taumbayan ang tunay na pangyayari sa naturang drug raid.

Wala akong intensyon, wala akong plano; balak, na iba kun’di malaman ng taumbayan [kung] ano ba talagang nangyari doon sa Pampanga kung bakit ang mga tao na nandoon, sobra ‘yung entitlement na ibinibigay sa kanila,” ani Magalong.

Alam din aniya niya na isang pakikipagsapalaran ang hakbang na ito hindi lamang sa kanyang buhay kundi sa kaligtasan ng kanyang pamilya, ngunit kailangan niya aniyang gawin kung ano ang nararapat gawin.

I know that I’m risking the safety of the family, and my life, pero we simply have to do what we have to do,” ani Magalong.

Handa rin aniya siyang sumalang kung sakali sa kahit ilan pang lie detector test upang mapatunayan ang kredibilidad ng kanyang mga pahayag.

Ako po ay hangdang-handa, anytime maski na 24/7, pumunta kami sa lie detector test. Maski tatlong lie detector test pa ay pwede akong humarap,” ani Mgalong. — sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img