Monday, May 6, 2024

Pisikalan ng Barretto sisters sa burol ng ama posibleng mauwi sa demandahan

- Advertisement -

Posibleng mauwi sa demandahan ang naging bangayan ng magkakapatid na Barretto sa burol mismo ng kanilang ama.

Ito ay matapos maisugod sa ospital si Claudine matapos umano nitong makasakitan ang kapatid na si Marjorie at pamangkin na si Julia.

Dahil dito, inendorso na sa isang medico legal ang nangyari kay Claudine dahil sinasabing nagtamo ito ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Kaugnay nito, inihahanda na rin ni Gretchen ang kaso laban sa isang pamangkin dahil sa umano’y pagbabanta at pagdadala ng baril sa burol.

Matatandaang, miyerkules ng nagkaroon ng eksena sa pagitan ng magkakapatid nang dumalaw si Gretchen na nataon din sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img