Bagyong Perla walang direktang epekto sa bansa habang palabas ng PAR

0
9

Walang direktang epekto ang tropical storm Perla sa bansa habang papalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Perla sa layong 690 kilometro silangan ng Basco Batanes at may pagbugsong umaabot sa 85 kilometro kada oras.

Makakaranas ng maulap na kalangitan at bahagyang kalat-kalat na pag ulan sa lugar ng Batanes, Ilocos Norte, Apayao at Cagayan.

Samantala, inaasahang lalabas nag par ang bagyong Perla sa Martes, Oktubre 22.