Friday, May 3, 2024

Pinsala sa panananim, livestock ng pagputok ng Bulkang Taal umakyat na sa P3-B

- Advertisement -

Umakyat na sa P3-B ang halaga ng napinsala sa pananim at livestock sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA), ang pinakamalaking napinsala ay ang mga libo-libong cage ng tilapia at bangus sa Taal Lake na aabot sa P1.6-B halaga.

Dagdag pa rito, tinatayang nasa 1,900 na ang mga hayop na nasawi sa pagputok ng Bulkang Taal, habang nawasak rin ang mga pananim na kape, cacao, pinya, gulay, palay at prutas.

Samantala, nagbigay na ng ayuda ang ahensya ng Bureau of Animal Industry, Philippine Carabao Center at maging ng National Dairy Authority.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img