Isang engineer na nahulihan ng mga bala sa MRT-3 arestado

0
30

Arestado ang isang engineer matapos mahulihan ng mga bala sa Taft Avenue station ng MRT-3.

Kinilala ng Pasay City Police ang suspek na si Xavier Sumaya –26 anyos.

Nabatid na papasok ng Taft Station si Sumaya na nakitaan ng mga bala ng M203, 45-caliber pistol, M16 rifle at tatlo pang uri ng baril nang inspeksyunin ang kaniyang bag.

Kaagad dinala si Sumaya sa Pasay City Police para sa kaukulang imbestigasyon.