35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mga preso sa lugar na apektado ng Bulkang Taal nailipat na ng BJMP

- Advertisement -

Nailipat na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga preso na nakakulong sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ayon kay BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda, nailipat ng maayos ang mga preso kung kaya’t walang dapat ikabahala ang mga kamag-anak ng mga ito.

Aniya, kabilang sa mga nailipat ang 54 na preso ng Lemery Municipal Jail papunta sa Batangas City Jail.

Samantala, nananatili naman sa red alert status ang BJMP-CALABARZON kung kaya’t hindi muna maaaring mag leave o absent ang mga jail officer bunsod ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -