Pimentel kumpirmadong namili sa S&R Taguig branch noong March 16

Pimentel kumpirmadong namili sa S&R Taguig branch noong March 16

by Powered by DWIZ
19 views

Kinumpirma ng pamunuan ng S&R Member Shopping Mall na namili pa si Senador Koko Pimentel sa kanilang branch sa Taguig City noong March 16.

Ayon sa S&R, chineck nila ang kanilang CCTV matapos kumalat ang online na may nakakita kay Pimentel na namimili sa kanilang branch sa BGC.

Doon nga umano nila nakumpirma na nagtungo ang senador kung saan nakita ito sa counter dakong ala-1:59 ng hapon.

Bilang aksyon, ipinag-utos ng pamunuan ng S&R na isailalim ang lahat ng nakasalamuhang empleyado ni Pimentel.

Nagsagawa na rin ng disinfection ang naturang branch.

Kasabay nito tiniyak ng S&R na araw-araw silang nag didisinfect sa kanilang mga store pati mga kagamitan gaya ng cart, front end belts, items shelves at cash registers.

0 comment

Related Posts