Isang staff ng SC nagpositibo sa COVID-19

Isang staff ng SC nagpositibo sa COVID-19

by Powered by DWIZ
21 views

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang staff ng Korte Suprema.

Ito ang kinumpirma ng tanggapan ni Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier na staff sa tanggapan ng mahistrado ang naturang pasyente.

March 12 nang huli umano itong pumasok sa trabaho matapos lagnatin.

Nagpa-COVID-19 test ito noong March 19 at lumabas ang resulta ng March 24.

Dahil dito, sinimulan na ang contact tracing sa mga nakasalumuha ng pasyente.

Pinag self-quarantine na rin ang mga katrabaho nito na kaniyang nakasalamuha. —ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)

0 comment

Related Posts