‘Fallen Doctors’ umakyat na sa 9

‘Fallen Doctors’ umakyat na sa 9

by Powered by DWIZ
38 views

Umakyat na sa siyam ang bilang ng doktor na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inihayag ng Philippine Medical Association (PMA) kung saan tinawag nila itong “fallen doctors” sa gitna ng pakikipaglaban sa nasabing sakit.

Inisa-isa ni Dr. Dennis de Guzman, former assistant secretary general ng PMA ang mga doktor na nagbuwis ng kanilang buhay para mapangalagaan ang iba.

Ito ay sina:

Dr. Israel Bactol, cardiologist ng Philippine Heart Center;

Dr. Rose Pulido, oncologist ng San Juan De Dios Hospital;

Dr. Gregorio Macasaet III, anesthesiologist ng Manila Doctors Hospital;

Dr. Raul Jara, cardiologist ng Philippine Heart Center;

Dr. Henry Fernandez ng Pangasinan Medical Society;

Dr. Marcelo Jauchico ng Pampanga Provincial Health Officer;

Dr. Raquel Seva, obstetrician-gynecologist ng Evangelista Specialty Hospital ng San Pedro Laguna;

Dr. Hector Alvarez ng Novaliches District Hospital;

Dr. Sally Gatchalian, president ng Philippine Pediatric Society.

0 comment

Related Posts