Thursday, May 2, 2024

PH posible umanong maging destinasyon ng ISIS

- Advertisement -

Posibleng magkaroon ng malaking epekto sa Pilipinas ang pagwawakas ng caliphate o paghahari ng ISIS sa Syria.

Ayon kay National Security Expert Rommel Banlaoi, at chairman ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research, nagsibalikan na sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang terorista na nakipaglaban sa Syria.

Ito aniya ay makaraang tuluyan na silang matalo at makubkob ng mga otoridad sa kanilang kuta sa naturang bansa.

Maliban din aniya sa mga Pilipinong nakipagbakbakan sa Syria ay maaaring ikunsidera rin ng mga dayuhang terorista na sa Pilipinas magpunta.

Paliwanag ni Banlaoi, tingin ng mga ISIS sa Mindanao ay bahagi na ito ng kanilang lalawigan ito aniya ang dapat na paghandaan ng mga otoridad sa bansa.

Samantala, kabilang din ayon kay Banlaoi ang Malaysia at Indonesia sa nakikita ng ISIS na kanilang susunod na destinasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img