Friday, May 17, 2024

200 residente sa Negros inilikas sa nagpapatuloy na operasyon vs NPA

- Advertisement -

Lumikas na ang aabot sa dalawang daang (200) mga residente sa Escalante City sa Negros Occidental bunsod ng nagpapatuloy na clearing at pursuit operations ng militar laban sa mga rebelde.

Kasunod naman ito ng sumiklab na bakbakan sa pagitan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at mga sundalo.

Ayon kay 303rd Infantry Brigade Commander Brigadier General Benedict Arevalo, pansamantalang nananatili sa mga evacuation centers ang mga nagsilikas na residente sa Escalante City.

Hindi muna aniya pinapayagan ang mga ito na makabalik ng kani-kanilang mga tahanan dahil sa banta pa rin ng kaguluhan.

Magugunitang kahapon, nakasagupa ng mga tropa ng militar ang aabot sa sampung (10) miyembro ng NPA sa bahagi ng nasabing siyudad sa Negros Occidental.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -