35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Anne Curtis may hiling sa GMA para sa kapatid na si Jasmin

- Advertisement -

Sa hindi pangkaraniwang pagkakataon, binati ng aktres na si Anne Curtis ang dati nitong home network.

Ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang kinabibilangang proyekto ng kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis Smith na kasalukuyang nasa bakuran ng Kapuso network.

Sa pag-retweet ni Anne ng bahagi ng video ng special participation ni Jasmine sa bagong Kapuso prime time series na Sahaya, sinabi nitong sobrang proud siya sa mahusay na pagganap ng kapatid.

Kasunod nito binanggit ni Anne ang Kapuso network at hiniling na mabigyan pa sana ng mga magagandang roles si Jasmine tulad ng pagganap nito bilang batang ina ng karakter na Sahaya.

Magugunitang, 2004 nang lumipat si Anne sa Kapamilya matapos ng mahigit anim na taon na pananatili sa Kapuso network.

—-

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -