Saturday, May 4, 2024

“Pastillas scheme” sa ilang BI personnel pinaiimbestigahan na —spox

- Advertisement -

Pinaiimbestigahan na ng Bureau of Immigration (BI) ang “pastillas scheme” na kinasasangkutan ng ilang Immigration personnel.

Ito ang tiniyak ni Immigration spokesperson Dana Sandoval matapos na mabulgar na tumatanggap ng suhol ang ilang mga Immigration personnel para ilegal na makapasok sa bansa ang mga Chinese Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) workers.

Ayon kay Sandoval, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa tanggapan ni Senadora Risa Hontiveros upang makuha ang impormasyon hinggil sa katiwaliang kinasasangkutan ng ilan sa kanilang hanay.

Aniya, nais ni Immigration commissioner Jaime Morente na matukoy ang sindikatong nasa likod ng naturang anomalya.

Samantala, una namang inamin ni Atty. Javier Tobias, deputy commissioner ng BI, na hindi nila alam ang umiiral na katiwalian sa kanilang hanay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img