29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

“Oplan X-Men” ng Makati City Police pinabulaanan

- Advertisement -

Mariing pinabulaanan ng Makati City Police na mayroon silang pina-iiral na “Oplan X-Men” o ‘yung mga operasyon kontra human trafficking na target ang mga transgender.

Kaugnay ito nang kumalat na video sa social media kung saan makikita ang pamimilit ng dalawang pulis sa isang transgender woman na kinilala bilang si Anne Pelos na sumama sa police station para umano sa ginagawa nilang “profiling”.

Sa naturang video makikita ang mainit na pakikipagtalo ni Pelos sa dalawang Makati City pulis matapos siyang harangin ng mga ito para isama sa police station noong Biyernes, ika-14 ng Pebrero.

Nabatid na ilang linggo nang pinaiiral ng Makati City Police ang “Oplan X-Men” kung saan kanilang iniimbitahan na sumama sa police station ang mga ‘transgender’ na kanilang matitiyempuhan sa kalsada.

Sa Facebook post ng Station Community Affairs Division ng Makati City Police, nakasaad na layon lamang ng “Oplan X-Men” na iligtas ang mga transgender mula sa exploitation at human trafficking.

Gayunman, burado na naman ang naturang post sa ngayon.

Sa isang panayam, labis na ikinadismaya ni Dindi Tan, secretary general ng LGBT Pilipnas, ang naturang insidente habang iniimbestigahan na rin naman ito ng Commission on Human Rights (CHR).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -