Senate hearing sa nakabinbing franchise renewal bills ng ABS-CBN itinakda na

0
15

Itinakda na ng Senado ang pagdinig sa mga nakabinbing franchise renewal bills ng ABS-CBN.

Ayon kay senate majority leader Juan Miguel Zubiri, nakatakda na sa ika-27 ng Pebrero ang pagtalakay ng Senado sa mga nakabinbing panukala hinggil sa pagrenew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Una rito, inihain ni senate minority leader Franklin Drilon ang senate joint resolution no. 11 para sa extension ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi ni Drilon, ito ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang Kongreso na repasuhin ang franchise renewal ng nabanggit na network.

Matatandaang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi dapat madaliin ang kongreso sa pagtalakay sa franchise renewal bills ng nasabing network upang matiyak na mabubusisi ito nang tama ng parehong kapulungan ng Kongreso.