Tuesday, May 7, 2024

Pastillas modus sa BI kinumpirma ni Duterte

- Advertisement -

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakumpirma niya sa pamamagitan ng intelligence information, ang nangyayaring “pastillas” scheme sa Bureau of Immigration (BI), kung saan sinasabing nagbabayad ng libo-libong halaga ang isang Chinese national para lamang illegal na makapasok sa Pilipinas.

Ayon kay Pang. Duterte, ngayong napatunayan niyang totoo ang modus, wala nang ibang paraan kundi ang suspendihin ang mga dawit sa naturang anomalya at imbestigahan ang mga ito.

Matatandaang kamakailan lamang, sinibak sa pwesto ng punong ehekutibo ang ilang Bureau of Immigration officials at employees na sangkot sa scheme.

Tinawag umanong pastillas ang katiwaliang ito sa BI dahil sa ibinabalot sa nakarolyong bond paper ang perang ibinibigay ng isang dayuhan na nais na makapasok ng illegal dito sa Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img