32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Ina ni VP Leni Robredo pumanaw na sa edad na 83

- Advertisement -

Pumanaw na kagabi sa edad na 83 ang ina ni Vice President Leni Robredo na si ginang Sally Gerona.

Ito ang kinumpirma ni Robredo sa pamamagitan ng kanyang facebook account.

Magsisimula ang burol ngayong araw ng linggo sa Eternal Gardens, Balatas Road, Naga City, ganap na 4:00 ng hapon.

Iaanunsyo ang iba pang funeral details sa mga susunod na araw.

Pinasalamatan naman ni VP Leni ang lahat ng mga nagpaabot ng kanilang panalangin at pakikiramay sa pagyao ng kanyang ina.

Ayon sa Office of the Vice President (OVP), isang teacher by profession si ginang Gerona na nagsilbi sa Unibersidad De Sta. Isabel sa Naga, na isa sa mga kilalang pinakamatandang paaralan sa Pilipinas.

Noong nakalipas na buwan, biglaang napauwi ng Naga City si VP Leni upang makasama ang kanyang may sakit na ina.

Wala namang ibinigay na anumang impormasyon si Robredo hinggil sa naging karamdaman ng inang si ginang Sally.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -