Thursday, May 16, 2024

Panukalang magtatatag sa Dept. of Disaster Resilence nasa House Committee level na

- Advertisement -

Hawak na ng House Committee on Government Reorganization at Disaster Management ang panukala para lumikha ng hiwalay na ahensya ng  gobyerno na mangangasiwa sa mga kalamidad.

Nakasaad sa House Bill 30 ni Albay Congressman Joey Salceda ang paglikha ng DDR o Department of Disaster Resilience na magsisilbing lead agency sa disaster risk reduction, preparedness, response at reconstruction o rehabilitation.

Taliwas ito sa sistema ngayon kung saan hiwa hiwalay ang mga ahensyang kumikilos kapag may kalamidad sa bansa tulad ng NDRRMC, DOST, DILG, DSWD at NEDA samantalang nagsisilbing nerve center o sentro ng pag aksyon ang Office of Civil Defense.

Nakasaad din sa panukala na ang trabaho, assets, pondo at mga tauhan ng OCD ay ililipat sa DDR subalit hind pa ito bubuwagin.

Ang tatanggalan lang ng trabaho ay ang DSWS na pupuwede nang tumutok sa ibang functions nito.

Ang NDRRMC ay tututok lamang sa paglikha at pagpapatupad ng mga polisiya hinggil sa disaster management.

Nasa mahigit 31 billion pesos ang ipinapanukalang pondo para sa operasyon ng DDR na napagtibay na sa Kamara subalit hindi naihabol bago nagsara ang 17th Congress.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -