House Bill 502 muling binuhay sa Kamara

0
48

Muling binuhay sa 18th Congress ang panukalang pagpapawalang bisa o pagpapa annul ang kasal ng mag asawa kung limang taon na silang hiwalay.

Nakasaad sa House Bill 502 na inihain ni Congressman Robert Ace Barbers ang pag amiyenda sa probisyon sa Family Code of the Philippines para maaaring ipawalang bisa ang kasal ng isang mag asawa kung hiwalay na ang mga ito sa loob ng limang taon.

Layon din ng panukala ayon kay Barbers na kilalanin ang katotohanan at umiiral na marital condition ng mga Pilipino.

Hindi na aniya kailangan pa ng malalim na dahilan para bigyang dahilan ang paghihiwalay ng mag asawa sa annulment proceedings.

Sinabi pa ni Barbers na ang limang taon na actual separation ay patunay na stranger na o estranghero na ang mag asawa at malabo nang muling magkabalikan.

Bukod dito, inihayag pa ni Barbers na sa loob din ng limang taon ay maaari nang makapag adjust at makapag move on ang isa’t isa at hindi na mapigilang pumasok sa ibang relasyon.