Tuesday, May 7, 2024

Pangulong Duterte nangako noon na susuportahan ang pamilya Laude vs. Pemberton —Michelle Laude

- Advertisement -

Ikinagulat ng pamilya ni Jennifer Laude ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkalooban ng absolute pardon ang dating Amerikanong sundalo na si Joseph Scott Pemberton.

Ayon sa kapatid ni Jennifer na si Michelle Laude, nangako pa noong una ang pangulo na susuportahan ang kanilang pamilya sa paglaban sa dating Amerikadong sundalo na pumatay sa kanilang kaanak.

Aniya, hindi rin nila inaasahan na mismong si Presidential Spokesperson Harry Roque pa, na kanilang abogado, ang siyang naghayag na pinagkalooban ng absolute pardon si Pemberton.

Matatandaang sa ulat sa bayan ni Pangulong Duterte nitong Lunes, sinabi nito na hindi tinatrato ng patas si Pemberton at nararapat lang aniya na palayain ito dahil sa kanyang good conduct.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img