Friday, May 3, 2024

Pananakit ng turista sa isang pulis sa Puerto Galera iimbestigahan ng BI

- Advertisement -

Iimbestigahan na ng BI o Bureau of Immigration ang insidente nang pananakit ng isang dayuhang turista sa isang pulis sa Puerto Galera.

Batay sa inisyal na ulat ng mga otoridad, inaresto ng pulis ang dayuhang si Feresteh Marboyeh matapos nitong magwala at maghubad sa pampublikong lugar.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, nag amok sa presinto ang suspect kung saan sinipa, sinuntok at pinaso nito ng sigarilyo ang naka-duty na pulis.

Paliwanag pa ni Sandoval, tuloy-tuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BI dahil posible aniyang maging batayan ang ginawang pag-wawala ng dayuhan para sa paghahain ng deportation case.

Sa ngayon, nahaharap naman ang suspect sa kasong direct assault on person on authority.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img