29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Campaign posters na nakakabit sa mga gusali ng gobyerno pinatatanggal na

- Advertisement -

Inatasan na rin ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang lahat ng regional directors na tanggalin ang mga campaign posters na kanilang makikita sa mga gusali ng pamahalan.

Kasunod ito ng naging babala ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año hinggil sa paglalagay ng mga campaign materials sa mga gusali o pasilidad na pag-aari ng pamahalaan.

Ayon kay Albayalde, kabilang sa tungkulin ng PNP na panatilihing patas, makatarungan at pantay para sa lahat ang darating na halalan.

Kasabay nito, muli namang tiniyak ni Albayalde na mananatiling ‘apolitical” ang PNP at pinaalalahanan ang mga pulis na huwag makikilahok sa anumang aktibidad na may kinalaman sa politika o halalan.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -