Friday, May 3, 2024

Pagtalaga kay Robredo bilang drug czar isang patibong —ACT Teachers

- Advertisement -

Isa lamang patibong ang pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang Co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay ACT Teachers Partylist Representative France Castro, si Pangulong Duterte ang nangakong tatapusin ang problema sa iligal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan ngunit nabigo ito.

Aniya, ‘tila kasi ipinapasa lamang kay Robredo ang kakulangan ng pamahalaan na matuldukan ang operasyon ng illegal drugs sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Albay Rep. Edcel Lagman na isa itong set-up upang mabigo si Robredo dahil limitado lamang ang magagawa nito sa nasabing posisyon.

Gayunman, sinabi naman ni AKO Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr. na masyado pang maaga para sabihing patibong ang pagtalaga ng pangulo kay Robredo bilang co-chair ng ICAD.

Sa katunayan aniya ay magandang pagkakataon ito para patunayan ni Robredo ang kaniyang kaalaman sa paglikha ng mga polisiya kontra iligal na droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img