Friday, May 17, 2024

Pagbawal sa pagbebenta ng tingi-tinging sigarilyo iminungkahi ng DOH

- Advertisement -

Nais nang ipagbawal ng Department of Health ang pagbebenta ng kada stick o tingi-tinging sigarilyo.

Ito ay dahil sa kabila ng mas pinataas na buwis sa sigarilyo ay madami pa rin ang bumibili nito.

Ayon kay Health Spokesperson Usec. Eric Domingo, ang kanilang panukala ay bilang pagtalima sa rekumendasyon ng UN-Task Force on Prevention of Non- Communicable Diseases.

Aniya, sa ibang bansa kasi ay talagang ipinagbabawal ang pagbili ng tingi-tinging sigarilyo, kundi dapat ay isang pakete ang bilihin dahil mas mahal ito at mas mahirap na bilhin ng mga bata.

Matatandaang taong 2012 ng ipataw ang karagdagang buwis sa sigarilyo ngunit maliit na porsyento lamang ang naibawas nito sa mga naninigarilyo sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -