28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

E.O. 15 na nagtatalaga kay Robredo bilang co-chairperson ng ICAD hindi na kailangan amyendahan —Panelo

- Advertisement -

Kinontra ng palasyo ng Malacañang ang naging pahayag ng kampo ni Vice President Leni Robredo na kumukuwestiyon sa pagtatalaga sa pangalawang pangulo bilang co-chairperson ng ICAD.

Ito ay kaugnay ng pahayag ni Atty. Barry Guttierrez, tagapagsalita ni Robredo, kung saan sinabi nito na walang posisyong co-chairman sa ICAD at kailangan pang amyendahan ang Executive Order No. 15 na bumuo sa naturang komite.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi na kailangan pang amyendahan ang E.O. 15 dahil may kapangyarihan si Pangulong Duterte na ire-organisa ang burukrasya kaya’t hindi na ito kailangan pang amyendahan.

Kaugnay nito, una namang sinabi ni Panelo na tiwala ang Malacañang na magiging epektibo si Robredo sa naturang posisyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -