Thursday, May 2, 2024

Pagrere-assign kina Lapeña at Faeldon ipinagtanggol ng Pangulo

- Advertisement -

Muling ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating Customs Commissioner Isidro Lapeña at Nicanor Faeldon na kapwa itinalaga sa panibagong posisyon sa kabila ng umano’y multi-billion peso drug smuggling issue.

Sa kanyang talumpati sa Masskara Festival sa Bacolod City, Negros Occidental, inihayag ni Pangulong Duterte na sadyang hindi naiwasan nina Lapeña at Faeldon na malusutan ng malaking halaga ng kontrabando.

Kahit aniya naharap sa kontrobersiya ang dalawang nabanggit na opisyal ay malaki ang ini-ambag ng mga ito sa pagsugpo sa smuggling.


Duterte, kumambyo sa naunang pahayag nito ukol kay Roque

Samantala, kumambyo naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag nitong hindi mananalo ang kanyang dating Presidential spokesman na si Harry Roque sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.

Sa kanyang talumpati sa Masskara festival sa Bacolod City, Negros Occidental, mistulang inendorso ni Pangulong Duterte si Roque.

Aminado ang Punong Ehekutibo na bagaman binabatikos siya ni Roque noong human rights lawyer pa lamang ito, hindi aniya matatawaran ang husay nito sa batas.

No offense intended, pero sabi niya sakin, tatakbo akong senador sa ticket mo. Kinabukasan, hindi na siya tatakbo, tas kinabukasan tas tatakbo ulit siya.. He keeps on hanging not really because he is undecided, everyday he wishes his chances.. pero I think he is a fighter of human rights.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img