Net trust rating ni Duterte tumaas sa 3rd quarter ng 2018

0
42

Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na net trust rating sa ikatlong quarter ng taon, batay sa Social Weather Stations.

Sa September 15 hanggang 23 survey sa 1,500 respondents, nananatili sa “very good” o umakyat sa positive  62 ang net trust rating ni pangulong duterte kumpara sa positive 57 noong ikalawang quarter.

Lumabas sa resulta na 74 percent ng mga respondent ang may malaking tiwala sa Pangulo,  12  percent ang may hindi lubusang nagtitiwala habang 14 percent ang undecided.

Ang five-point increase sa rating ay nagmula sa ratings Metro Manila at balance Luzon.