28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Baguio City naghahanda na rin para sa mga darating na turista ngayong Undas

- Advertisement -

Nakalatag na rin ang lahat ng traffic rerouting at security preparations sa Baguio City para sa inaasahang pagdagsa ng libu-libong bakasyonista sa Undas.

Ayon kay Baguio City Mayor Mauricio Domogan, isinapubliko na ng City Police Office ang re-routing plan habang ipinaskil na ang lahat ng signage sa mga sementeryo upang gabayan ang mga motorista.

Hindi aniya papayagan ang mga sasakyan na pumasok sa mga sementeryo maliban sa mga emergency vehicle tulad ng ambulansya at fire truck.

Itinalaga naman ang Harrison road hanggang Ganza parking lot para sa mga nagtitinda ng bulaklak at kandila.

Tinututukan na rin ang lahat ng entry at exit roads sa City of Pines para sa inaasahang traffic build-up maging sa paligid ng mga bus terminal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -