Wednesday, May 8, 2024

Pagpayag ni Duterte na mangisda ang Tsino sa EEZ ng bansa tinawag na “kakila-kilabot” ni Sereno

- Advertisement -

Tinawag na kakila-kilabot ni dating chief justice Ma. Lourdes Sereno ang pagtatanggol ni Pangulong Rodrigo sa “verbal agreement” nito kay Chinese President Xi Jinping kaugnay ng pagpayag nito sa China na mangisda sa EEZ o Exclusive Economic Zone ng bansa.

Ayon kay Sereno, hindi katanggap tanggap ang kasunduan ni Duterte kay Xi.

Anya, mistulang handa ang pamahalaan na ibenta ang Pilipinas sa ibang bansa.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Sereno na hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na makikita ng pangulo ang mababang morale ng taumbayan dahil tila inabanduna na ng pangulo ang Pilipinas para lang pagbigyan ang China sa West Philippine Sea.

Sa SONA ng pangulo kahapon, iginiit nito na pag-aari ng bansa ang West Philippine Sea ngunit binanggit nito na nagbabala si President Xi na magkakaroon ng gulo kapag ipinilit ng Pilipinas ang pang-angkin sa naturang teritoryo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img