7 miyembro ng Liberal Party sumanib na sa majority bloc sa Kamara

0
59

Sumanib na sa majority bloc ang pitong miyembro ng Liberal Party sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito mismo ang kinumpirma ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na kabilang rin sa mga tumalon sa majority bloc.

Ayon kay Erice, balanseng balanse ngayon ang Liberal Party dahil pito pa sa ibang miyembro ng partido ang sasali sa minorya habang mananatili naman anyang independent si Albay Rep. Edcel Lagman.