Sunday, April 28, 2024

Pagpapatigil ng gaming ops ng PCSO ‘di pa tiyak kung pansamantala o permanente na — Malakanyang

- Advertisement -

Hindi pa matiyak ng Palasyo kung pansamantala lang o permanente na ang pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa ngayon ay pinag aaralan pa kasi ng pangulo ang sitwasyon ng PCSO.

Kasalukuyan pa rin aniya ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa umano’y kurapsyon sa PCSO.

Matatandaan na una na ring sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nakadepende rin sa paliwanag at pakikipagpulong ng PCSO officials kay Pangulong Duterte ang magiging kapalaran ng operasyon nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -