Thursday, May 9, 2024

Mga PCSO employees na apektado sa pagpapatigil ng mga gaming ops ng ahensya handang tulungan ng gobyerno

- Advertisement -

Tiniyak ng gobyerno na kumikilos ang mga nasa posisyon para mahanapan ng solusyon kung paano matutulungan ang mga manggagawa ng lotto outlet at keno.

Ayon kay Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles, naiintindihan niya ang nararamdaman ng maliliit na lotto operator kaya’t tinitingnan aniya nila kung ano ang maitutulong sa mga ito.

Kasabay nito, tinawagang pansin din ni Nograles ang mga opisyal ng PCSO na aniya’y dapat nagiisip ng solusyon at nagbibigay ng rekomendasyon para matulungan ang mga naapektuhang maliliit na lotto operator.

Pinag-utos ng pangulo ang pagpapatigil ng lahat ng gaming activity ng PCSO dahil sa umano’y kurapsyon sa loob ng ahensya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img