Sunday, May 12, 2024

Baguio: Nahuli ang Street Level Drug Personality; Illegal na druga nagkakahalaga ng P2.3M nasamsam ng operatiba ng PNP Benguet at Kalinga

- Advertisement -

Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Isang 24 na taong gulang lalaki hinihinalang tulak ng druga ang nahuli sa police checkpoint sa Sitio Dinakan, Brgy Dangoy, Lubuagan, Kalinga noong Jueves.

Nasabat sa suspek ang bag na naglalaman ng labing anim na Marijuana bricks na may bigat na labing anim na kilo at nagkakahalaga ng 1,920,000 piso.

Ang nahuling suspek ay isang construction worker at naninirahan sa Decahomes, Marilao, Bulacan at isa sa itinuturing na Street Level Drug Personality.

Ang suspek at ang illegal na druga ay nasa pag iingat na ng Lubuagan Municipal Police Station. Samantala, inihahanda na rin ang kaso laban sa kanya sa paglabag ng RA 9165 o ang tinatawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, sa probinsiya ng Benguet, ang mga pulis sa Kibungan at ang iba pang operatiba na katuwang nito sa pagsasagawa ng pagpuksa ng mga tanim na Marijuana ay nakatagpo ng may kabuang 100 piraso ng ganap na laki na tanim na Marijuana, kabilang dito ang 3 kilong pinatuyong tangkay ng ipinagbabawal na tanim na may kasama din na fruiting tops na nagkakahalaga ng sa Php380,000.00 sa dalawang plantation sites sa Sitio Banengyawan, Brgy Poblacion, Kibungan. Ang mga tanim na Marijuana ay binunot at sinunog kung saan ito natagpuan matapos ito ay madokumento.

Samantala, patuloy ang pagsagawa ng imbestigasyon para matukoy ang mga manananim ng Marijuana. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PNP PRO-COR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -