Thursday, May 2, 2024

Paglalagay ng ‘maximum retail price’ isinusulong ng DOH

- Advertisement -

Isinusulong ngayon ng Department of Health (DOH) ang maximum retail price para sa mga patented drugs, gaya ng mga gamot para sa cancer and diabetes.

Ayon kay DOH Pharmaceutical Division Chief Dr. Melissa Guerrero nakatakda nilang lagyan ng Maximum Retail Price (MRP) ang 124 na patented drug o ‘yung mga gamot na walang katumbas na generic drugs.

Batay sa ulat ng DOH, sa Pilipinas kasi  pumapalo sa P4,300 ang isang tabletang gamot para sa lung cancer , habang nasa P2,900 lamag ang presyo ng kaparehong gamot sa bansang Thailand.

Ayon pa kay Guerrero, kabilang sa kanilang panukala ang mga gamot para sa hypertension, cardiovascular disease, diabetes, cancer of the lungs, breast, colon ,liver at kidney disease.

Habang kabilang din naman dito ang mga gamot para sa psoriasis, rheumatoid arthritis at asthma.

Tiniyak naman ng DOH na nais nilang pababain ang presyo ng mga naturang gamot sa average market price nito sa Southeast Asia.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img