Friday, May 17, 2024

6 na taong termino para sa mga Barangay officials, isinusulong

- Advertisement -

Isinusulong ngayon sa Senado ang panukalang gawing 6 na taon ang termino ng mga Barangay officials.

Ito’y ayon kay Senate President pro-tempore Ralph Recto ay upang hindi na laging ipinapag-paliban ang Baranggay at Sangguniang kabataan elections.

Dagdag pa nito, nais din niya na isagawa ang eleksyon isang taon bago o matapos ang Presidential elections.

Nito lamang Martes, inaaprubahan ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na ipagpaliban ang Barangay at SK Elections na gaganapin sana sa May 2020, ngunit iuurong na lamang ito sa December 5, 2022.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Recto na 6 na beses nang ipinagpaliban ang Barangay elections.

Gayunman, aminado naman si Recto na posibleng may hindi magandang resulta ang mahabang termino para sa mga Barangay officials, kaya’t makabubuti aniya kung masusi nila itong mapag-aaralan sa senado.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -