29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

49 Pinoy at 5 Chinese arestado sa Ortigas, Pasig City

- Advertisement -

Pumalo sa 49 na Filipino at 5 Chinese national ang na-aresto ng pulisya dahil sa online lending scam, sa Ortigas Pasig City.

Ito ay matapos salakayin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilang unit sa Raffles Tower, Garnet St. Emerald Ave. na ino-okupa ng Fuwei Lending Corporation.

Ayon kay NCRPO Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ang naturang lending corporation ang may-ari ng Mango loan application na ini-rereklamo ng maraming customers.

Narekober sa naturang operasyon ang 87 computer system, 4 na laptop computers, 47 cellular phones, at P100,000.

Ayon pa kay Eleazar, base sa pahayag ng mga nagrereklamong customers, dumaranas aniya ang mga ito ng matinding pamamahiya at trauma kapag hindi sila nakabayad sa tamang panahon sa naturang kumpanya.

Sa imbestigasyon ng NCRPO, sa sandaling ma-aprubahan ang loan ng kliyente sa pamamagitan ng mango loan application, agad ibabawas ang spot interes at ang mahihiram na pera ay kailangang hulugan sa loob ng maiksing panahon.

Napag-alaman din ng pulisya na sinanay ang mga empleyado para mamahiya at mang-harass ng mga hindi makakabayad.

Sa ngayon, mahaharap sa reklamong paglabag sa Section 33 ng R.A. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012 kaugnay ng section 6 ng R.A. 10175 o ang Cyber Crime Prevention act of 2012, ang mga naturang suspek.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -