Saturday, May 18, 2024

Pagkawala ng trabaho ng libu-libong driver at pahinante ng truck pag ipinatupad ang phase out ibinabala

- Advertisement -

Libo libong drivers at pahinante ang nanganganib mawalan ng trabaho sa sandaling ipatupad ang phase out ng mga trucks na may edad 15 pataas sa Enero ng susunod na taon.

Ayon kay Teddy Gervacio, isa sa mga lider ng limang araw na truck holiday, aabot sa 200,000 trucks ang apektado ng phase out.

Sinabi ni Gervacio na nais nilang magkaroon ng diyalogo sa pamahalaan upang ayusin ang mga problema sa pantalan.

Maliban sa phase out ng mga trucks, iprinoprotesta rin ng truckers at brokers ang anila’y pagsisikip sa pantalan dahil sa mga walang lamang containers ng mga shipping lines.

Kung dati anya araw araw nakakabalik ang truckers sa pantalan para magbalik ng walang lamang container, ngayon ay hanggang dalawa na lang dahil sa port congestion.

Una rito, tinatayang nasa 100 trucks ang lumahok sa unang araw ng idineklara nilang truck holiday.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -