Baguio: Mayor Benjamin Magalong nanawagan na maghanda sa maagang pagdating ng La Nina

0
9
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Habang ang bansa ay nakakaramdam pa ng epekto ng mainit na panahon sanhi ng El Nino phenomenon, si Mayor Benjamin Magalong ay nanawagan sa mga taga Baguio na maghanda na sa inaasahang La Nina phenomenon bilang kapalit ng El Nino.

Sa paliwanag ng Ama ng lungsod at ayon sa mga experto sa panahon, sa ating karanasan ng pagkakaroon ng El Nino sa ikapitong buwan ng tagtuyot na ay ang pagdating ng La Nina na magkakakaroon malalakas na bagyo at pag ulan, kaya kinakailangan na maagang maghanda upang maiwasan madidisgrasya at pagkasira ng mga ari-arian.

Anya ang lokal na pamahalaan ay naghahanda na sa pamamagitan ng programa nito sa ilalim ng “Making Cities Resilient (MCR) 2030” program kung saan ang lungsod ay may kakayahang makabawi mula sa epekto ng climate change. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply