Saturday, May 4, 2024

2 senador nagbabala kaugnay sa pagbuhay ng PNP sa Alsa Masa

- Advertisement -

Nagbabala ang dalawang senador sa planong pagbuhay ng Philippine National Police sa mala- Alsa Masa network para labanan ang krimen at rebelyon.

Ayon kina Senador Panfilo Lacson at Francis Pangilinan, posibleng magresulta ito sa seryosong problema sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.

Sinabi ni Lacson na dapat ay natuto na ang PNP sa leksyon ng nakaraan tulad ng paggamit ng militar sa grupo ng kuratong baleleng ni Octavio Parojinog na naging vigilante group at nasangkot sa ibat ibang krimen.

Sa panig ni Pangilinan, sigurado anyang lalong lalaganap ang mga paglabag sa karapatang pantao kapag natuloy ang plano ng PNP.

Matatandaan na ang Alsa Masa ay isang civilian network na binuo sa Davao City noong 1980’s para palakasin ang suporta sa paglaban sa krimen lalo na sa illegal drugs.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img