Panukalang obligahin ang mga kandidato na lumahok sa mga debate suportado ng NAMFREL

0
82

Suportado ng isang election watchdog ang panukalang obligahin ang mga kandidato na lumahok sa mga debate.

Ayon kay NAMFREL o National Movement for Free Elections Secretary General Eric Alvia, malaki ang maitutulong ng mga debate para malaman ng mga botante ang kakayahan ng mga kandidato sa pagtugon sa mga isyu.

Kumpyansa pa si Alvia na mapatataas nito ang lebel ng pangangampanya sa bansa dahil tututok ang mga kandidato at botante sa mga isyu at solusyon.

Una nang ipinanukala ni Siquijor Rep. Ramon Rocamora na lumahok ang mga kandidatong tumatakbo sa national at local post sa mga debateng ioorganisa ng Commission on Elections.